Wednesday, January 14, 2009

LP : ASUL




Ang mga larawan na nasa itaas ay regalo sa akin ng aking mga kaibigan noong nakaraang Pasko. Aliw na aliw ako sa mga ito. Ang unang litrato ay isang de-ilaw na bagay na korteng yelo. Ito ay umiilaw lamang kapag naka-lubog ito sa kahit anong likido. Nagpapalit ng kulay ang bagay na ito habang siya'y nakalubog. Lagi ko itong gamit kapag nagyayayang mag-inuman ang aking mga kaibigan. Ang pangalawang larawan ay isang de-bateryang kandila. Nagpapalit din ang kulay nito. Isang pitik lang ng iyong daliri, ihipan, o pumalakpak ka, mag-iiba ng kulay yan.

(The pictures above are gifts I received from friends last Christmas. I am so happy and amazed to receive these gifts. The first picture is a magic ice cube. This thing lights up whenever it is submerged in liquid. It changes color and only works when it is submerged. I always use this magic ice cube whenever my friends and I go on a drinking spree. The second picture is a battery-operated candle or a magic candle. Snap your fingers, blow it or clap your hands, it changes color, too!


3 comments:

  1. aliw yun magic ice cube ha! okay na pangregalo sa mga bata :D

    happy lp!

    ReplyDelete
  2. interesting! mukha ngang nakakatuwa ang yong mga regalo :-)

    ReplyDelete
  3. nakaakaliw naman yung una, magic ice cube ba?

    magandang asul na lp!

    ReplyDelete

Disqus Shortname

Comments system