Kumukutikutitap, bumubusibusilak, Ganyan ang indak ng mga bumbilya
Kikindat-kindat Kukurap-kurap Pinaglalaruan inyong mga mata
Hindi maitatago ninuman na palapit na ng palapit ang araw ng Pasko. Isa sa mga kultura nating mga Pilipino ay ang pagsasabit ng Parol. Bukod sa Mise de Gallo, isa ang parol sa mga maituturing kong Paskong Pinoy talaga. Ang parol na ito ay yari sa mga makukulay ng capiz shells na may mga bumbilyang kumukuti-kutitap. Tuwing iilawan ang aming parol pagkagat ng alas-sais ng gabi, ramdam na ramdam ko ang kasiyahan na dulot ng Pasko.
Iyan ang aming capiz na Parol. Gawang Pinoy, tatak pinoy, Paskong Pinoy talaga. Halina't sumali sa amin dito.
nakakapag paindak yung kanta kahit na walang tugtog habang binabasa ko yung lyrics e napapakanta at napapaindak ako :)
ReplyDeleteBukod sa magandang Parol, ayos din ang kantang nakakapagpasaya :)
ReplyDeletetama ka, parol at caroling, parehong di mawawala sa ating Pasko at parehong hilig gawin lalo na ng mga batang magkakalaro :)
ReplyDeletenaku, para sa akin kulang ang pagpapasko kapag walang parol. Ang ganda naman ng parol ninyo. :) maligayang LP!
ReplyDeleteAng ganda ng pagkaka-capture sa parol na ito!
ReplyDeleteAng aking LP entry ay nakapost DITO. Happy Huwebes!
wow talagang pinoy na pinoy parol! very beautiful! di pa kami kailan nagka parol nga ganyan dito sa amin. sana sa mga susunod na pasko.
ReplyDeletemaligayang pasko, ka LP!
I love that song! hehehe..naalala ko kinanta namin sa choral competition noong year 2000..
ReplyDeleteMaligayang Pasko! Hilinh ko po na sana mkadaan po kau sa blog ko.. hehehe